Ito ang pananaw ni Senador Antonio Trillanes IV sa biglaang pagbibitiw sa puwesto ng anak ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bise alkalde ng lungsod ng Davao.
Ayon kay Trillanes, hindi makatotohanan ang dahilan ni Paolo Duterte na ‘delicadeza’ ang dahilan kung bakit ito nagbitiw sa puwesto.
Giit pa ng senador, malinaw na hindi isyu ang ‘delicadeza’ para sa bise alkalde dahil kahit ang anak nitong menor de edad na babae ay pinatulan nito sa social media kamakailan lamang.
Bukod pa dito, naabswelto na rin ng komite ni Senador Richard Gordon si Paolo Duterte kaya’t ‘BS’ aniya ang dahilan na ginamit ni Paolo Duterte sa kanyang pagbibitiw.
Matatandaang si Senador Trillanes ang nag-akusa kay vice mayor Paolo Duterte at sa bayaw nito na nasa likod umano ng Davao Group na pasimuno ng smuggling sa Davao City.