Davao Occidental niyanig ng magnitude 5.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang Davao Occidental dakong alas-8:47 ng gabi, Lunes.

Ayon sa Philippine Institute of Seismology and Volcanology (Phivolcs), naitala ang episentro ng lindol sa 204 kilometer sa Silangang bahagi ng Sarangani.

Tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 29 kilometers.

Wala namang naiulat na pinsala at wala ring inaasahang aftershocks matapos ang nasabing lindol.

Read more...