Pinilahan sa takilya ang mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival 2017 sa unang araw nito.
Sa pagbubukas pa lang ng mga mall ay nakapila na ang mga taong gustong manood sa labas ng mga mall.
Sa ibang mga pamilya ay itinuturing na nilang isang tradisyon ang panonood ng mga pelikulang kalahok sa MMFF tuwing araw ng Pasko, December 25.
Kaugnay nito ay nag-ikot ang mga tauhan ng Optical Media Board para masigurong hindi mapipirata ang mga pelikulang kalahok.
Ayon kay OMB Chair Anselmo Adriano na kasamang nag-ikot sa mga sinehan, ito ay bahagi ng mas pinag-igting na kampanya laban sa pirata.
Bukod dito sa Kamaynilaan ay nagpakalat din ang OMB ng mga agents at volunteers sa mga probinsiya.
MOST READ
LATEST STORIES