Dating pangulo ng Peru na si Alberto Fujimori, ginawaran ng pardon

AP File Photo

Pinagkalooban ng medical pardon ni Peru President Pedro Pablo Kuczynski si dating Peru president Alberto Fujimori.

Dahil dito, labas na ng kulungan ang 79 taong gilang na si Fujimori. Humanitarian reason ang dahilan kung kaya pinagkalooban ng pardon ang dating presidente ng Peru.

Taong 2007 nang mahatulan si Fujimori ng 25 taon na pagkakabilanggo dahil sa mga kasong human rights abuses, korupsyon at pagbibigay permiso sa mga death squad.

Mananatili sana si Fujimori sa bilangguan hanggang sa edad na 93.

Kahapon lamang, isinugod sa ospital si Fujimori matapos bumaba ang blood pressure at abnormal na heart rhythm.

Nabatid na tatlong beses nang humirit ng pardon si Fujimori subalit hindi ito pinagbigyan ng presidente ng Peru.

Read more...