‘Alden’ ng Sampaloc, sugatan matapos masagasaan ng tren sa Maynila

PNR FB pageSugatan ang isang lalaki sa Sampaloc, Maynila matapos mahagipi ng tren ng Philippine National Railway.

Isinugod sa Ospital ng Sampaloc si Alden Abogade, na ang edad ay tinatayang nasa pagitan ng 20 hanggang 30 taong gulang.

Bagaman nahagip lang, malubha pa rin ang sugat na tinamo ni Alden.

Naganap ang insidente malapit sa G. Tuazon sa Balic-Balic sa Sampaloc, Maynila .

Ayon kay PNR Spokesperson Paul de Quiros, byaheng Alabang ang tren na nakahagip kay Abogade.

Tatawid sana ang biktima sa riles at hindi nito namalayan na mayroong paparating na tren.

Read more...