Kaso ng dengue patuloy na tumaas sa Cavite, Central Luzon at Central Visayas

Dengue_1Nakapagtala ng pagtaas sa kaso ng dengue ang Department of Health (DOH) sa lalawigan ng Cavite, sa Central Luzon at Central Visayas.

Ayon kay Health Sec. Janette Garin, ang mga nararanasang pag-ulan ang dahilan ng pagdami ng lamok na may dalang sakit na dengue.

Sinabi ni Garin na dahil sa mga nararanasang malakas na buhos ng ulan, na biglang hihinto at susundan muli ng pag-ulan.

Dahil dito, naiimbak aniya ang tubig sa mga lata at lumang gulong na pinangingitlugan ng dengue carrying mosquitoes.

Sa Cavite, nagdeklara na ng state of emergency dahil sa naitalang 3,904 na kaso ng dengue kung saan labinganim ang nasawi mula lamang buwan ng Enero hanggang September.

Inaalam na rin ng DOH ang mga balitang nakapagtatala din ng mataas na kaso ng dengue sa ilang bahagi ng Mindanao.

Read more...