NoKor sa bagong sanctions: ‘An act of war’

May panibagong banat ang North Korea laban sa United States bunsod ng panibagong economic sanctions na ipinataw ng United Nations sa kanilang bansa.

Matatandaang noong nakaraang linggo ay pinagtibay ng UN Security Council ang panukalang oil embargo laban sa North Korea bunsod ng serye ng ballistic missile tests ng bansang ito.

Tinawag ng Pyongyang ang hakbang na ito ng US na ‘an act of war’ at nagbantang magbabayad ito at ang mga bansang sumuporta rito ng karampatang danyos.

Sa isang pahayag sa KCNA news aganecy, sinabi ng foreign ministry ng North Korea na natatakot lamang ang US sa nuclear power ng kanilang bansa.

Kung gusto anyang ng Estados Unidos na mamuhay ang mga mamamayan nito nang ligtas ay dapat iabandona ang ipinatupad na polisiya.

Samantala, tumanggi naman ang US State Department na magkomento sa panibagong patutsada ng North Korea sa kanilang naging hakbang.

Read more...