Cardinal Tagle: ‘Alalahanin ang mga biktima ng kalamidad’

May mensahe si Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle sa mga Filipino ngayong kapaskuhan.

Ito ay ang alalahanin ang mga taong naghihirap sa kasalukuyan bunsod ng mga kalamidad.

Sa kanyang homily sa kanyang Christmas Eve Mass sa Manila Metropolitan Cathedral-Basilica kagabi, sinabi ni Tagle na upang makumpleto ang selebrasyon ng kapanganakan ni Hesukristo ay dapat alalahanin ng mga Filipino ang mga kapatid na nabiktima ng mga kalamidad.

Partikular na tinukoy ni Tagle ang sitwasyon nga mga Filipino na naapektuhan ng dalawang nagdaang bagyo sa Visayas at Mindanao.

Ang mensahe ng Cardinal ay ilang oras lamang ang pagitan sa naging panawagan din ng Santo Papa na panalangin para sa mga taga-Mindanao.

Iginiit ng Cardinal ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kabaitan sa isa’t isa upang mapalawig pa ang mga katuruan ng Diyos nang sa gayon ay maranasan ng tao ang totoong kapayapaan at kaligayahan.

Read more...