Hinimok ng Santo Papa ang mga mananampalataya sa kasagsagan ng kanyang lingguhang Angelus Prayer sa St. Peter’s square na ipagdasal ang mga naapektuhan ng bagyo.
Ang apela ng lider ng Simbahang Katolika ay naganap ilang oras lamang ang Christmas Eve Mass kagabi.
Sa kasalukuyan ay lagpas 200 na ang nasawi bundos ng hagupit ng tropical storm habang nasa 70,000 naman ang nawalan ng tirahan.
Partikular na binanggit ni Pope Francis ang Mindanao at dalangin ang habag ng Diyos para sa mga naghihirap at nasawi dulot ng kalamidad.
“I want to offer my prayers to the population of the island of Mindanao, in the Philippines, hit by a storm that has caused numerous victims and destruction. Merciful Lord, take in the souls of the dead and comfort those who are suffering as a result of this calamity. Let’s pray for these people,” ayon sa Santo Papa.