Sa pahayag na inilabas ni UN Secretary general Antonio Guterres sa pamamagitan ng kanyang tagapagsalita na si Stephane Dujarric, ipinarating nito ang kanyang pakikiramay sa libu-libong naapektuhan ng kalamidad.
Ayon kay Guterres, hiling anya niya ang mabilis na pagbangon ng mga biktima mula sa trahedya.
Sinaluduhan din ng Secretary General ang mga pagkilos na isinasagawa ng rescue and recovery teams at maging ng mga volunteers sa kabila ng mga mahihirap na sitwasyon.
Ayon sa UN, handa ang kanilang organisasyon na tumulong sa mga lokal at pambansang pamahalaan bilang dagdag sa suportang ibinibigay na ng kanilang humanitarian partners.