Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre II, lumapit sa kaniya ang isang opisyal na itinuturing niyang napaka-importanteng testigo.
May nalalaman aniya kasi ito tungkol sa transaksyon ng gobyerno para sa kontrobersyal na Dengvaxia vaccine mula sa simula hanggang sa ito’y matapos.
Hindi na muna pinangalanan ni Aguirre ang nasabing opisyal upang hindi naman mapangunahan ang imbestigasyon.
Ayon pa kay Aguirre, magkikita sila ng naturang opisyal pagkatapos ng Christmas break.
Matatandaang matapos masampahan ng kaso noong Biyernes sina dating Pangulong Benigno Aquino III, dating Health Sec. Janette Garin at anim na iba pa kaugnay ng Dengvaxia issue, nagpalabas na si Aguirre ng lookout bulletin order laban sa kanila.
Sinampahan sila ng kaso ng Gabriela party-list sa ngalan ng mga estudyanteng naturukan ng Dengvaxia na ayon sa pag-amin ng Sanofi Pasteur ay maaring magdulot ng severe dengue sa mga hindi pa tinatamaan ng sakit bago mabakunahan.