Love letter mula pa noong 1944, natagpuan sa pader ng bahay sa Massachusetts

COURTESY: Greenfield Police Department

Humihingi ng tulong sa publiko ang Greenfield Police Department sa Massachusetts.

Hindi ito dahil sa isang krimen nilang iniimbestigahan, ngunit dahil sa isang love letter na ginawa pa noong April 19, 1944 na gusto nilang maibigay sa may-ari nito.

Sa isang Facebook post ng Greenfield Police Department, ipinakita ang litrato ng dalawang pahinang liham na para sa isang Betty Miller, at isinulat naman ng isang lalaking nagpakilala lamang sa pangalang Walter.

Ayon sa mga otoridad, isa tao ang lumapit sa kanila para ipakita ang tungkol sa liham na kanyang natagpuang nakasingit sa pader ng kanyang bahay. Ayon dito, nagsasagawa siya ng house remodelling nang matagpuan ang sulat.

Nais ng mga pulis na mahanap si Betty Miller, o kung hindi man ay ang kanyang naiwang pamilya para ihatid ang naturang liham.

Read more...