Pulis arestado dahil sa indiscriminate firing sa Pasig

Arestado ang isang pulis dahil sa sinanasabing indiscriminate firing sa Pasig City.

Kinilala ang suspek na si PO1 Arnold Gabriel Sabillo na isang pulis-Montalban.

Batay sa police report ng Police Community Precint 7 ng Pasig City, nagpapatrolya ang mga pulis sa kahabaan ng Amang Rodriguez Avenue na sakop ng Barangay Manggahan nang makatanggap ng tawag tungkol sa pagpapaputok ng baril sa Barangay Santolan.

Agad na nagtungo ang mga pulis sa lugar kung saan nila nadatnan at naaresto si Sabillo.

Kinumpiska mula dito ang isang 9mm Beretta na may lamang 11 mga bala. Tatlong basyo naman ng bala ang natagpuan sa pinangyarihan ng insidente.

Kasalukuyan pang inaalam ng mga otoridad kung mayroon bang tinamaan ng pamamaril ni Sabillo.

Read more...