Tatlong Iranian nationals, nahuli sa NAIA matapos magtangkang pumuslit sa bansa

Napigilan ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) ang pagtatangka ng ilang mga banyaga na pumuslit sa bansa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Kinilala ang mga banyagang sina Masoomeh Javidialsaadi at Parsa Javidialsaadi, na kapwa lalaki, at isa pang babaeng banyaga na mayroong katulad na apelyido.

Batay sa report ng BI Port Operations, pinaniniwalaang mga Iranian national ang tatlo ngunit nahulihan ang mga ito ng pekeng Belgium passports.

Nakasaad rin sa report na galing ng Bangkok, Thailand ang tatlong mga banyaga.

Hinahanapan pa ang mga ito ng Iranian passport para maberipika ang kanilang pagkakakilanlan.

Read more...