Sa huling abiso ng PAGASA, bagaman isa nang typhoon ang naturang bagyo ay tinanggal naman na ang tropical cyclone warning signal number 2.
Sa ngayon ay signal number 1 na lamang ang nakataas sa hilagang bahagi ng Palawan at posibleng mayroong pa ring daluyong o storm surge sa baybaying sakop ng naturang lugar. Mula 1.25 hanggang 4.0 metro ang posibleng taas ng mga alon dito.
Paalala ng PAGASA, hindi pa rin ligtas ang maglayag sa western seaboard ng Palawan dahil sa lakas ng hangin na dala ng bagyong Vinta.
Mayroon itong maximum sustained winds na 120kph at pagbugso o gustiness na aabot naman ng 145kph.
Gumagalaw ito pakanluran sa bilis na 25kph at inaasahang makakalabas ng Philippine Area of Responsiblity (PAR) sa pagitan ng alas-5 at alas-8 ng umaga.