Sa datos ng kagawaran, 705 pamilya ang kasalukuyang nanunuluyan pa rin sa 31 evacuation centers sa mga rehiyon ng MIMAROPA, Bicol, at Eastern Visayas. 198 namang mga pamilya ang nakikitira ngayon sa kanilang mga kaanak o kaibigan.
Sa kabuuan, halos 3,000 kabahayan ang totally damaged habang mahigit 9,000 naman ang partially damaged dahil sa pananalanta ng bagyong Urduja.
Ayon sa DSWD, mahigit P65 milyon na ang naibigay nilang tulong sa mga naapektuhan ng naturang bagyo.
54 katao ang iniwang patay ng bagyong Urduja at 24 naman ang nawawala.