Mismong ang program director ng Animal Kingdom Foundation Inc. (AKF) na si Heidi Caguioa ang nagtungo sa Marikina Assistant City Prosecuty para pormal na ihain ang kanyang reklamo laban kay Joey Mancilla, Arnmold Llanto na siyang driver ng van, ilang iba pang tumulong sa paglalagay sa mga aso sa naturang van.
Paglabag sa Section 6 ng Republic Act No. 8485 o Animal Welfare Act ang isinampa ni
Caguioa.
December 2 nang ilagay ang mga aso sa isang closed van para sana dalhin sa isang dog show ng Philippine Canine Club Inc. (PCCI).
Dalawang oras ibinyahe ang mga aso mula Malabon hanggang Marikina City nang walang tamang bentilasyon.
Matapos ang naturang insidente ay tinanggal na mula sa PCCI si Mancilla, bilang pagkundena sa nangyari.
Nakasaad rin sa petisyon ng AKF na walang kaukulang shipping permit ang ginamit na closed van at isa itong paglabag sa batas.
Samantala, nais rin ng AKF at iba pang mga animal welfare group na suspindihin ang PCCI sa pagsasagawa ng mga dog show dahil sa pagkabigo nitong i-monitor ang kanilang mga miyembro at hindi pagpapatupad ng istriktong panuntuhan tungkol sa pagsasagawa ng dog shows.
Ani Caguioa, mahalagang makasauhan si Mancilla para maging leksyon sa iba pang mga pet owners at maging paalala na kailangan nilang mas alagaang mabuti ang kanilang mga alagang hayop. Aniya, isang eye-opener ang naturang insidente.