Handa si dating eight-division world boxing champion at Senator Manny Pacquiao na mag-ambag sa binubuong isang bilyong pisong pondo para sa rehabilitasyon ng Rizal Memorial Sports Complex.
Bukod kay Pacquiao ay marami ring senador ang nagpahayag ng suporta upang mapaganda pa ang sports facilities ng bansa ayon kay PSC Executive Director Atty. Sannah Frivaldo.
Gayunpaman, ayon kay Frivaldo, nais ng pambansang kamao na maipakita ang husay at sakripisyo ng mga naunang pambansang atleta.
Nais anya ni Pacquiao na maipaalam sa publiko ang naging kontribusyon ng mga atletang nagbigay ng karangalan sa bansa tulad nina Lydia De Vega-Mercado, Eric Buhain, Elma Muros-Posadas at iba pa.
Ito ay sa pamamagitan ng paglilipat ng National Sports Museum sa harap ng Rizal Memorial Sports Complex.
Tiniyak naman ni Frivaldo na bagaman hindi pa sapat ang suportang nakukuha para sa pagpapaganda ng sports facilities ay sisikapin anya ng ahensya na maabot ang target nitong pondo.