Ito ay dahil sa maanomalyang transakyon umano na isinagawa ng lokal na pamahalaan sa contractor ng isang bus terminal taong 2007.
Inaakusahan ng paglabag sa R.A. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang alkalde kabilang sina Municipal Engineer Toby Gonzales Jr. at ang may-ari ng S.R. Baldon Construction and Supply na si Shirley Baldon.
Ayon sa reklamong inihain ni Graft Investigation and Prosecution Officer III Maricel Quilates, nakipagsabwatan umano si De Castro sa contractor matapos nitong hindi pagbayarin ang bus company ng danyos sa delay na idinulot nito sa installation ng karagdagang 25kva transformer sa main terminal building.
Nagdulot anya ang maanomalyang transakyon ng perwisyo sa pamahalaan.