San Fernando, Masbate, niyanig ng magnitude 2.1 na lindol

Nakaranas ng pagyanig ang lalawigan ng Masbate kaninang 1:54 ng madaling araw.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naganap ang lindol sa layong pitong kilometro sa Kanluran ng San Fernando, Masbate.

May lalim ang lindol na isang kilometro at tectonic ang dahilan nito.

Naramdaman din ito Masbate City na nakaranas ng Intensity III na pagyanig.

Wala namang inaasahang nasira sa mga ari-arian at mga kasunod pang pagyanig.

Read more...