1 patay sa lumubog na motor banca lumubog sa Quezon

Isa na ang kumpirmadong patay habang nawawala ang dalawang iba pa matapos lumubog ang isa na namang sasakyang pandagat sa bahagi ng Bonbon, Panukulan, Quezon, Sabado ng umaga.

Ayon sa paunang impormasyon mula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Panukulan, patungo ang bangkang ‘Vince Nichole’ sa Infanta, Quezon mula sa Panukulan nang ito ay tumaob at lumubog sa dagat na sakop ng Bonbon bandang alas-10 ng umaga.

Kinilala ang namatay na pasahero na si Nancy Samodio, habang ang mga nawawala ay ang magkapatid na sina John Rex at John Darren Cabuyao.

Ayon kay Panukulan MDRRMO Officer Gereme Erracho, siyam na iba pang mga pasahero ang nailigtas nila.

Sinasabing ang malakas na hangin at alon sa dagat ang sanhi ng pagtaob ng naturang bangka.

Ang paglubog ng ‘Vince Nichole’ ay dalawang araw lamang matapos naman lumubog ang MV Mercraft 3 sa dagat na sakop rin ng probinsya ng Quezon.

 

Read more...