Board of Inquiry binuo kaugnay sa lumubog na MV Mercraft 3

Inquirer file photo

Ipinag-utos na ni Department of Transportatin (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang pagsasagawa ng imbestigasyon tungkol sa paglubog ng MV Mercraft 3.

Kasunod ng search and rescue operations ng Philippine Coast Guard (PCG) ay lima na ang naitalang namatay habang sugatan naman ang labingisang iba pa.

Ani Tugade, layunin ng isasagawang imbestigasyon ang malaman kung ano ang naging sanhi nito para agad na makapagpatupad ng safety nets at preventive measures upang hindi na ito maulit pa.

Dagdag pa ni Tugade, prayoridad ng kagawaran ang masigurado ang kaligtasan at seguridad ng mga pasahero.

Ayon pa kay Tugade, inatasan na niya ang Maritime Industry Authority (MARINA) at PCG para magpatupad ng mga hakbangin para maiwasan ang mga katulad ng insidente.

Matatandaang tumaob at lumubog ang MV Mercraft 3 noong Huwebes sa dagat sa pagitan ng Dinahican Point at Polilio Island.

Ayon sa ulat ng PCG, umaabot sa 251 mga pasahero ang laman ng naturang sasakyang pandagat.

Read more...