Magpapatupad ng kakarampot na dagdag-bawas ang ilang kumpanya ng langis para sa kanilang mga fuel products sa susunod na linggo.
Sa advisory ng Department of Energy, magkakaroon ng P0.25 kada litro na rollback sa presyo ng gasolina ang mgma kumpanya ng langis.
Kasabay nito ay magpapatupad rin sila ng P0.05 per liter na dagdag sa halaga ng kanilang ibinebentang diesel at kerosene.
Ang panibagong paggalaw sa presyo ng petrolyo ay may kaugnayan sa naganap na international oil trading sa nakalipas na linggo.
Inaasahan na sa araw ng Martes magaganap ang panibagong price adjustment sa presyo ng petrolyo.
Base sa monitoring ng DOE, naglalaro sa pagitan ng P31.55 hanggang sa P37 ang presyo ng diesel samantalang mula P42 hanggang 52.50 naman ang halaga ng bawat litro ng gasolina.