Ito ay kaugnay sa ginagawang pambubully ng Chinese Coast Guard sa mga mangingisdang Pinoy na nangingisda sa Scarborough Shoal.
Kasama sa naghain ang grupo Center for International Law na naghain ng petisyon sa online sa tatlong tanggapan ng UN sa Geneva, Switzerland.
Ayon sa isinumiteng petisyon, paglabag na sa karapatang pantyaon ang ginagawang panggigipit ng Chinese Coast Guard at mga mangingisdang Chinese sa mga mangingisdang Pilipino.
Umaasa namang mabibigyang pansin ang kanilang hinaing matapos nang hindi na rin makapalaot ang mga lokal dahil sa kanilang pagtataboy na ginagawa.
Matatandaang itinaboy rin noong Abril ng Chinese Coast Guard ang mga mangingisda na nasa Scarborough Shoal gamit ang water cannon.