Nagsimula na ng pamamahagi ng mga relief supplies ang Philippine Red Cross sa mga sinalantang lugar ng bagyong Urduja at Vinta sa Mindanao.
Sinabi ni PRC Chairman Richard Gordon na aktibong tumutulong sa mga biktima ng magkasunod na bagyo ang halos ay 2,000 volunteers ng Red Cross.
Kabilang sa kanilang mga naunang natulungan ay ang mga bilanggo sa Butuan City Jail na nawalan ng bubong sa kalagitnaan ng pananalasa ng bagyong Urduja.
Nagtayo rin ang Red Cross ng 5,000-liter na water bladder para sa Butuan City Jail na grabeng naapektuhan ang kanilang water supply dahil sa bagyo.
Nagbigay na rin ang PRC ng anti-tetanus vaccines sa mga nasugatan dulot ng nasabing trahedya.
MOST READ
LATEST STORIES