Iniulat ng Office of the Civil Defense na umabot sa P1.45 Billion ang halaga ng mga nasirang imprastraktura at agricultural products sa pananalasa ng bagyong Urduja partikular na sa Nothern Mindanao.
Ayon kay OCD Spokesman Romina Marasigan, umaabot sa P869, 720,000 ang halaga ng damage sa mga daan at tulay samantalang nasa P581,473,830 naman ang halaga ng mga nasirang pananim at mga namatay na alagang hayop.
Hindi pa rin naibabalik ng buo ang serbisyo ng kuryente sa mga lalawigan ng Eastern Visayas, Nothern Samar at Biliran.
Idinagdag pa ng OCD na umabot sa 41 ang death toll ng bagyong Urduja.
Halos nadoble naman ang hirap na dinaranas ng mga sinalanta ng bagyong Urduja makaraan rin silang bayuhin ng bagyong Vinta hanggang sa kasalukuyan.
Tiniyak naman ng OCD na nakahanda na ang mga relief items para sa mga biktima ng magkasunod na bagyo at kaagad nila itong ipadadala sa mga nangangailangan kapag naging maayos na ang lagay ng panahon.
Sa kasalukuyan ay marami pa rin ang mga isolated areas sa ilang lugar sa Northern Mindanao dahil sa mga naganap na flashfloods at landslides.