BSP bukas sa December 26 para palitan ang mga lumang paper bills

Inquirer file photo

Mananatiling bukas ang ilang tanggapan ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa darating na December 26 para serbisyuhan ang mga hahabol para mapalitan ang mga natitira nitong luma o mga demonetized na pera.

Ang paalala ay galing kay BSP Governor Nestor Espenilla, Jr para mabigyan ng pagkakataon ang pubiko na mapalitan ang mga lumang mga paper bills kahit na deklarado na walang pasok ang mga opisina sa gobyerno sa nasabing petsa at bago ang deadline para dito sa December 30.

Mananatiling bukas para lamang sa nasabing transaksyon ang cash deparyment ng BSP sa Maynila at Quezon City pati ang mga sangay nito sa Region 5.

Magpapalit lamang ang BSP ng hanggang P100,000  na  demonetized banknotes sa bawat transaksyon.

Bukas ang mga bangko sa pagtanggap ng mga lumang pera mula 8:30 ng umaga hanggang alas-dose ng tanghalo.

Bukas din ang BSP para sa nasabing transaksyon sa December 27 hanggang 29 mula 9:30 ng umaga hanggang 2:00 ng hapon.

Read more...