Lalaki nilapa ng isang buwaya sa Palawan

Nilapa ng buwaya ang isang residente sa isang Barangay sa Batazara sa lalawigan ng Palawan.

Sa ulat ng Bataraza PNP, kasalukuyan umanong inaayos ng hindi pa pinapangalanang biktima ang kanyang bangka sa kasagsagan ng pag-ulan dulot ng bagyong Vinta nang siya ay bigla na lamang sakmalin ng isang buwaya.

Wala na umanong nagawa ang mga residente sa lugar ng dalhin ng buwaya sa malalim na bahagi ng ilog ang katawan ng biktima.

Noong Nobyembre 11, isang 12-anyos na bata rin ang tinangay ng isang buwaya at hanggang sa ngayon ay hindi pa ito nakikita ng mga otoridad.

Noong isang linggo naman ay isang babae rin ang sinakmal ng isang buwaya sa nasabi ring lugar pero nagawa nitong makatakas.

Nagbigay naman ng babala ang Bataraza PNP sa kanilang mga nasakupang lugar na iwasan muna sa mga ilog dahil sa pag-atake ng mga buwaya.

Read more...