Ito’y base sa resulta ng survey ng Social Weather Stations na ginawa mula December 8 hanggang 16.
Nasa 62% ang sumang-ayon sa statement na ibinigay ng SWS na nagsasabing “… dahil tapos na ang digmaan sa Marawi City, hindi na kailangan na palawigin ang Martial Law” (“Because the war in Marawi City is over, there is no need to extend Martial Law beyond its end date on December 31, 2017”).
Aabot naman sa 26% ang hindi sang-ayon at nasa 12% ang “undecided.”
Ang mga respondents sa Metro Manila ang nakapagtala ng pinaka-mataas na porsyento ng hindi pagsang-ayon na nasa 67% habang 62% sa Luzon, 55 % sa Visayas at 62% sa Mindanao.
Magugunitang mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsulong ng martial law extension sa Mindanao dahil sa rekomendasyon ng militar.
Kanilang sinabi na nasa rehiyon pa rin ang banta ng muling pag-atake ng iba’t ibang mga teroristang grupo.