Sec. Bong Go gumamit ng jet ski sa pag-rescue sa mga binaha sa Davao City

Photo: Jin Sinkara Xiu

Kinailangang ilikas ang mga residente sa isang subdibisyon sa Davao City kasunod ng pagbaha na naranasan sa lugar.

Umabot sa lampas-tao ang lalim ng tubig baha na naranasan ng mga residente sa Barangay Tigatto bungsod na rin ng walang tigil na pag-ulan na dala ng bagyong Vinta.

Bagaman wala umanong pag-ulan na naranasan sa lungsod kahapon, nabigla ang mga residente nang tumaas ang tubig na pinaniniwalaang galing sa ibang lugar.

Bandang alas-10:00 kagabi nang magsagawa ng rescue operation sa mga residente ng subdibisyon.

Kasama sa mga tumulong sa operasyon si Special Assistant to the President Bong Go.

Sa Facebook post ng isang Jin Sinkara Xiu, makikita si Sec. Go na sakay ng jet ski kasama ang ilang mga residenteng kanyang na-rescue.

Read more...