Inanunsyo ng U.S na pinagtibay unanimously ng U.S Security Council ang kanilang panukala na mas mabigat na sanction laban sa North Korea.
Sinabi ni U.S Ambassador to the U.S Nikki Haley na ito ang naging kanilang naging tugon sa ginawang muling pagpapakawala ng ballistic missle ng NoKor noong November 29.
Ipinaliwanag ni Haley na posibleng umabot sa 90-percent ang maibabawas sa supply ng petrolyo na nakukuha ng North Korea sa pagsisimula ng pagpapatupad sa U.S Resolution 2397 na naglalayong putulin ang supply ng gasolina, diesel at iba pang refined oil products para sa nasabing bansa.
Nakapaloob rin sa tinaguring “draconian sanctions” ang pagbabawal sa pagpasok sa ibang mga bansa ng mga North Korean workers.
Laman rin ng nasabing sanctions ng pagbabawal ng pag-export ng anumang uri ng heavy machineries mga sasakyan at spare parts ng mga ito sa North Korea.
Ipinaliwanag ni Haley na paulit-ulit ang kanilang panawagan sa NoKor na itigil ang kanyang nuclear program pero hindi tumatalima ang nasabing bansa.
Ito umano ang isa sa nakikita nilang paraan para maramdaman ng Pyongyang na seryoso sa kanilang panawagan ang United Nations.
Pinapurihan naman ni U.S President Donald Trump ang naging 15-0 vote ng U.N Security Council pabor sa kanilang panukala.
Binanggit pa ni Trump na patunay ito na walang patutunguhan ang pagpupumilit ng North Korea na maghari-harian sa mundo sa pamamagitian ng ipinagmamalaking mga nuclear ballistic missiles.