Nagsagawa pa kasi ng rescue operations ang mga otoridad sa isang barangay sa Davao City dahil sa pag-taas ng tubig sa Barangay Tigatto, partikular sa Jade Valley subdivision.
Nagsimula umanong tumaas ang tubig hanggang lampas tao pasado alas-8:00 ng gabi, kahit na maghapon naman nang hindi umulan sa lungsod kahapon.
Gayunman, kahit hindi umulan, naipon naman ang tubig na nagmula sa mga matataas na lugar kaya tumaas ang tubig at na-trap ang mga residente.
Kinailangan namang gumamit ng mga motor boats ang mga rescuers dahil hindi umubra ang rubber boats sa lakas ng agos ng tubig.
Samantala, isa sa mga sumabak sa rescue operations ay mismong si Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go.
Sakay ng isang jet ski, tumulong si Go na sagipin ang ilan sa mga residenteng na-trap sa kani-kanilang mga tahanan na inabot ng baha sa nasabing subdivision.