Sa pinakahuling weather bulletin ng PAGASA, namataan ang bagyo sa layong 165 kilometro Hilagang-Kanluran ng Zamboanga City, Zamboanga del Sur.
Kumikilos pa rin ito pa-Kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Nananatiling nakataas ang Southern Palawan sa storm signal number 2.
Samantala ang mga sumusunod na lugar naman ay nakataas pa rin sa signal number 1:
Nalalabing bahagi ng Palawan
Kanlurang bahagi ng Zamboanga del Norte
Kanlurang bahagi ng Zamboanga del Sur
at Zamboanga Sibugay
Ayon sa weather bureau, asahan ang katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan sa lalawigan ng Palawan.
Mapanganib pa rin ang paglalayag sa mga baybayin sa mga lugar na nasa ilalim pa rin ng Storm Warning Signals.