Ito ang nakasaad sa petition for mandamus ng grupo kasama ang may 70 mga magulang ng batang nabakunahan sa ilalim ng DOH, immunization program.
Pinangalanan na respodents sa petisyon ng grupo sina DOH Secretary Francisco Duque III, DEPED Secretary Leonor Briones, DILG OIC Catalino Cuy, Dr. Lyndon Lee Suy, Program Director ng DOH-National Center for Disease Prevention and Control at Food and Drug Administration Director General Nela Charade Puno.
Gusto ng grupo na matiyak na hindi matitigil ang pagbibigay ng kinakailangang serbisyo sa mga biktima ng Dengvaxia kahit magpalit ng liderato ang DOH o magpalit ng administrasyon.
Ayon sa Gabriela, layun nito na mapanatag ang kalooban ng mga magulang ng bata na naturukan ng Dengvaxia.
Samantala, tiniyak ng Gabriela na patuloy na tatanggap ang inilunsad nilang Dengvaxia hotline ng reklamo mula sa mga magulang ng Dengvaxia recipient.