Mga pasahero, dumadagsa na sa bus terminal sa Pasay

Kumakapal na ang mga pasahero sa mga bus terminal sa Pasay… tatlong araw bago mag Pasko.

Sa Victory Liner, fully book na ang kanilang mga biyahe pa norte hanggang December 24.

Sa mga biyaheng pa-Olonggapo at Dagupan kada 40 mins may umaalis na bus.

Kada 30 minuto naman ang alis ng bus sa mga papuntang Baguio

Gayunman, bukas pa nila inaasahan ang talagang buhos ng mga pasahero na uuwi sa lalawigan para sa Kapaskuhan.

Bente kuwatro oras naman ang biyahe ng mga pa-bagiou kaya walang dapat na alalahanin ang mga pasahero.

Tiniyak naman ng pamunuan ng Victory Liner na may sapat silang bus para sa kanilang pasahero.

Read more...