Ilang katao, na-trap sa baha sa Lanao Del Sur

Ilang sibilyan ang na-trap sa baha sa ilang lugar sa bayan ng bubong sa lalawigan ng Lanao Del Sur.

Hindi madaanan ang mga kalsada sa Brgy. Malungun, Montiaan at Pindogoan.

Dahil dito ay umapela ang lokal na pamahalaan sa National Power Corporation na buksan ang ilang gate sa Agus 1 at ang mga regulatory dams sa Marawi.

Nakaapekto ang flash floods sa mga agricultural areas sa lugar lalo na sa mabababang lugar sa eastern side ng tulay.

Ang mga munisipalidad na apektado ng baha ay ang Ditsaan-Ramain, Bubong at Buadi Puso Buntong.

Ang bayan ng Bubong ay nasa loob ng lugar na idineklara ng Departament of Environment and Natural Resources bilang watershed.

Read more...