Ayon kay Juanito Diaz, acting Quezon Disaster Risk Reduction and Management Council Chief, kinilala ang pinakahuling biktima na si Rufo Combalicer na nakuha ng rescuers sa karagatang sakop ng Polillo Island, 9:00 ng Huwebes ng gabi.
Bukod kay Combalicer, ang isa pang nalunod ay si Francisco Azuela, 77 anyos mula sa bayan ng Polillo.
Wala pa namang pagkakilanlan sa iba pang biktima kabilang ang dalawang matandang babae.
Sinabi ni Diaz na nasa 253 na pasahero ang nailigtas kabilang ang Australian citizen na si Roland Kemp.
Nasa 231 survivors ang nasa Barangay Dinahican Hall sa bayan ng Infanta na nagsisilbing base ng operasyon.
18 survivors naman ang nasa kalapit na bayan ng Real, apat ang nasa coastal village ng Pandan.
Dahil sa bilang ng nakaligtas at ang limang namatay, nasa 258 ang total passengers ng lumubog na fast craft na mas marami sa 251 na nakalistang pasahero sa manifesto.
Ayon sa Philippine Coast Guard, ang Mercraft 3 ay may maximum capacity na 286 passengers.
Sinabi ng Coast Guard na hinampas ng malaking alon ang ferry, dahilan ng pagbaligtad nito sa karagatang sakop ng Dinahican village sa Infanta isang oras matapos itong umalis sa pantalan ng Real papuntang Polillo island alas-10:30 Huwebes ng umaga.