Nagdeklara na ng unilateral ceasefire ang New People’s Army bilang pag-obserba sa araw ng Pasko at ika-49 na anibersaryo ng grupo.
Sa inilabas na statement ng NPA sa pamamagitan ng kanilang tagapagsalita na si Ka Oris, sinabi nito na ang deklarasyon ay kanilang tugon sa utos ng Central Committee ng Communist Party of the Philippines (CPP).
Epektibo ang tigil-putukan simula 6:00 ng gabi ng December 23, hanggang 6:00 ng gabi ng December 26, at 6:00 ng gabi ng December 30 hanggang 6:00pm ng January 2, 2018.
Sa bisa ng ceasefire, inaatasan ang lahat ng unit ng NPA na ipahinga muna ang kanilang mga armas laban sa militar at pansamantalang itigil ang kanilang mga operasyon kontra mga sundalo, paramilitary, at mga miyembro ng Philippine National Police.
Ayon pa sa pahayag, mananatili naman sa active defense mode ang lahat ng unit ng NPA habang umiiral ang ceasefire.
Ayon pa kay Ka Oris, kahit pa unang nagpatupad ng unilateral ceasefire ang gubyerno, alam ng kanilang grupo kung paano nagtataksil ang Armed Forces of the Philippines sa kanilang usapan.
“Despite the GRP’s own unilateral ceasefire declaration, the CPP and NPA is only too aware of the AFP’s treachery, attacks and deception. As such, all leading organs and branches of the CPP, commands and units of the NPA and people’s militias and revolutionary mass organizations shall closely monitor any hostile actions, provocations or movements being carried out by the enemy armed forces,” ayon kay Ka Oris.
Binanggit ni Ka Oris na noong nakaraang taon, kahit umiiral ang anim na buwang unilateral ceasefire, nagpatuloy pa rin sa pagdedeploy ng mga sundalo ang AFP sa hindi bababa sa 500 barrio sa iba’t ibang panig ng bansa, at lumabag sa karapatang pantao.
“All NPA units shall maintain a high degree of alertness and preparation against any hostile actions or movements by enemy armed forces, similar to what transpired during the 6-month unilateral ceasefires last year wherein the AFP occupied and forward deployed troops in at least 500 barrios nationwide, committing numerous human rights violations against civilians and their communities,” ayon sa pahayag.
Mula umano July 2016, nakatanggap ng report ang NPA na aabot sa 129 na aktibista na ang napatay ng mga sundalo, libo-libong aktibista na rin ang ikinulong, at lumikas ang maraming supporter ng grupo dahil sa tuloy-tuloy na pambobomba ng militar.
“Since July last year, the NPA and revolutionary organizations have received reports of political killings of at least 129 activists (mostly peasants in areas with land disputes), illegal arrests of more than a thousand activists and their supporters and cases of mass evacuations due to militarization, intense bombings and shellings,” saad pa nito.
Tignan ang buong pahayag: