Sa Compostella Valley ay mahigit 1,700 na ang nasa evacuation centers dahil sa posibilidad ng storm surge at pagguho ng lupa.
Sa Davao Oriental naman ay may humigit-kumulang 5,000 katao na ang inilikas mula sa kanilang mga tahanan.
Ang mga residente ay mula sa mga bayan ng Baganga at Cateel ayon kay Lt. Col. Jake Obligado ng 67th Infantry Battalion.
Sinuspinde naman ni Mayor Erlinda Lim ng Lupon, Davao Oriental ang pasok sa trabaho sa tanggapan ng munisipyo.
Ipinag-utos na rin ng alkalde ang paghahanda ng mga relief goods, rescue teams at mga kakailanganing gamit ng mga ito.
Nag-utos na rin ng activation ng quick response team ang Department of Social Welfare and Development sa Cagayan de Oro City bilang paghahanda sa bagyo.
Samantala, sinuspinde na rin ng Coast Guard ang biyahe ng lahat ng klase ng sasakyang pandagat patungo sa Northern Mindanao, General Santos City, maging sa Luzon at Visayas. / Rhommel Balasbas/ INQUIRER.net