Bagyong Vinta, nasa bisinidad na ng Boston, Davao Oriental

Napanatili ng Bagyong Vinta ang lakas nito at namataan sa bisinidad ng Boston, Davao Oriental.

Batay sa pinakahuling severe weather bulletin ng PAG-ASA, taglay ng severe tropical storm ang lakas ng hanging aabot sa 90 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbusong aabot sa 125 kilometer per hour.

Kumikilos pa rin ito pa-Kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.

Nakataas ang Tropical Cyclone Warning Signal Signal number 2 sa mga sumusunod na lugar.

– Siquijor
– Southern Negros Oriental
– Surigao del Norte kabilang ang Siargao Islands,
– Surigao del Sur
– Agusan del Norte
– Agusan del Sur
– Northern Davao Oriental
– Compostella Valley
– Davao del Norte
– Camiguin
– Bukidon
– Misamis Oriental
– Lanao del Norte
– Lanao del Sur
– Misamis Occidental
– Eastern Zamboanga del Norte
– at Eastern Zamboanga del Sur

Nakataas naman ang Signal number 1 sa:

– Southern Leyte
– Katimugang bahagi ng Leyte
– Bohol
– Southern Cebu
– Nalalabing bahagi ng Negros Oriental
– Southern Negros Occidental
– Dinagat Islands
– Nalalabing bahagi ng Davao Oriental
– Davao del Sur
– North Cotabato
– Maguindanao
– Nalalabing bahagi ng Zamboanga del Norte
– Nalalabing bahagi ng Zamboanga del Sur
– at Zamboanga Sibugay

Makararanas ng kalat-kalat at may katamtaman hanggang malakas na pag-ulan ang Visayas at Mindanao.

Ibinabala ng weather bureau ang posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga naturang rehiyon at pinayuhan ang koodinasyon sa mga local disaster risk reduction and management offices.

Nananatiling mapanganib ang paglalayag sa mga baybayin ng mga lalawigang nasa ilalim ng warning signals.

Read more...