Bagyong “Vinta” nag-landfall na sa Davao Oriental

 

Mula sa PAGASA

Nag-landfall na sa Cateel, Davao Oriental ang severe tropical storm “Vinta” ganap na 1:45 ng madaling araw.

Batay sa pinakahuling weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang Vinta sa 85 kilometers Southeast ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na aabot sa 90 kilometers per hour at pagbugso na 125 kilometers per hour.

Nananatili pa rin naman ang pagkilos nito patungo sa kanlurang direksyon sa bilis na 20 kilometers per hour.

Nakataas pa rin ang tropical cyclone warning signal number 2 sa Siquijor, Southern Negros Oriental, Surigao del Norte kabilang ang Siargao Islands, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Northern Davao Oriental, Compostela Valley, Davao del Norte, Camiguin, Bukidnon, Misamis Oriental, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Misamis Occidental, Eastern Zamboanga del Norte, at Eastern Zamboanga del Sur.

Signal number 1 naman ang nakataas sa Southern Leyte, southern portion of Leyte, Bohol, Southern Cebu, rest of Negros Oriental, southern Negros Occidental, Dinagat Island, nalalabing bahagi ng Davao Oriental, Davao del Sur, North Cotabato, Maguindanao, nalalabi pang bahagi ng Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur, pati na rin sa Zamboanga Sibugay.

Asahan namang makararanas ng malawakan at katamtaman o malakas na pag-ulan sa Visayas at Mindanao sa susunod na 24 oras.

Pinapayuhan ng PAGASA ang mga residente na patuloy na mag-monitor ng mga susunod na updates tungkol sa lagay ng panahon at gawin ang mga kaukulang hakbang oras na magkaroon ng pagbabaha at pagguho ng lupa.

Read more...