Pahayag ni Sison ukol sa ceasefire, welcome sa Palasyo

 

Welcome sa Palasyo ng Malacañang ang naging pahayag ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chair Jose Maria Sison na magdedeklara rin sila ng holiday ceasefire.

Sa text message ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa INQUIRER.net, aalamin pa nila ito at kung sakali mang totoo, magkakaroon ng mapayapang Pasko ang mga mamamayan.

Una nang sinabi ni Sison na aatasan ng CPP ang NPA na ipahinga muna ang kanilang mga armas para sa pagdiriwang ng kapaskuhan.

Matatandaang taunang ginagawa ng pamahalaan at ng CPP-NPA ang pagdedeklara ng holiday ceasefire para mabigyang pagkakataon ang mga sundalo, rebelde at maging mga sibilyan na makapagdiwang ng Pasko at Bagong Taon nang mapayapa.

Read more...