Karamihan sa mga biktima ay naipit sa public sauna sa second floor ng building ayon sa mga fire officials.
Ayon sa tagapagsalita ng National Fire Agency, lubhang makapal ang usok na ibinuga ng apoy dahilan para hindi agad makalikas ang mga tao sa establisyimento.
Halos 60 na bumbero ang nagtulong-tulong para patayin ang sunog.
Higit-kumulang 20 katao ang nai-rescue mula sa rooftop ng building kung saan ang ilan sa mga ito ay isinugod sa ospital upang gamutin sa pagkakalanghap ng usok.
Nagsimula ang sunog sa basement ng building ayon sa mga bumbero.
Ibinabala pa ng mga fire officials ang posibleng paglobo pa ng bilang ng mga nasawi habang patuloy ang search operations sa lugar.