Sa botong 128 bansa na pabor at 9 na hindi pabor, sinuportahan ng UNGA ang resolusyon na kumukontra sa naunang polisiya na idineklara ni Trump.
Bukod sa pagkondena sa Jerusalem declaration, kasama rin sa resolusyon ang paggiit ng United Nations na baliktarin ni Trump ang kanyang naunang desisyon.
Ayon sa kinatawan ng bansang Turkey, na isa sa mga unang nagsalita kontra sa US Jerusalem declaration, labag sa international law ang ginawa ng presidente ng Amerika.
Ayon naman sa kinatawan ng Israel, panahon pa ng pagbuo ng Bilbliya ay kinikilala na ang Jerusalem bilang kabisera ng kanilang bansa.
Samantala, sinabi naman ni US envoy to the UN Nikki Haley, kahit ano pa man ang naging desisyon ng United Nations ukol sa isyu ay mananatili ang pasya ng Amerika na kilalanin ang Jerusalem bilang kapitolyo ng Israel.
Dapat din aniyang tandaan ng UN na malaki ang naging kontribyusyon ng Amerika sa naturang organisasyon kaya’t dapat igalang nito ang anumang desison ng Estados Unidos.