Biliran at Leyte, nilindol

 

Nakaranas ng magkahiwalay na paglindol ang mga lalawigan ng Biliran at Leyte sa Visayas, Huwebes ng gabi.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs, unang nakaranas ng magnitude 3.1 na lindol ang Biliran dakong alas 6:29 ng gabi.

Naitala ang episentro ng lindol sa kayong 5 kilometro sa kanlurang bahagi ng Kawayan, Biliran.

Samantala, dakong alas 11:48 ng gabi, naitala naman ang magnitude 3.8 na lindol sa Leyte.

Naitala ang episentro sa layong 7 kilometro sa silangan ng Capoocan, Leyte.

Wala namang naitalang pinsala sa dalawang pagyanig.

Matatandaang kapwa naapektuhan ng bagyong ‘Urduja’ ang dalawang lalawigan nitong nakalipas na araw.

Read more...