Kasabay nito, nagpalabas na rin ng heavy rainfall warning ang PAGASA sa mga lugar na apektado ng bagyo bilang babala sa mga residente sa ulan at tubig na ibubuhos ng naturang bagyo.
Sa kanilang rainfall warning advisory, inilagay sa ‘Red Warning level’ ang mga lugar ng:
-Dinagat Island
-Surigao Del Norte
-Surigao Del Sur
-Agusan Del Norte
-Agusan Del Sur
-Davao Del Norte
-Davao Oriental at
-Compostela Valley
Sa ilalim ng ‘Red rainfall warning’ seryoso ang banta ng pagbaha at kailangan ang agarang paglikas sa mataas na lugar ng mga residente.
Nasa ilalim naman ng ‘Orange warning level’ ang:
-Davao City,
-Siargao Island, Bukidnon, (Malaybay City, Lantapan, Valencia City, Cabanglasan at San Fernando)
Sa ilalim ng ‘Orange warning’ nagbabanta ang pagbaha sa mga mababang lugar at mga ilog.
‘Yellow Warning alert’ naman ang itinaas sa:
-Misamis Oriental,
-Camiguin,
-iba pang bahagi ng Bukidnon,
-North Cotabato,
-Maguindanao,
-Davao Del Sur
-South Cotabato (Tantangan, Norala, Koronadal City, Banga)
-Sultan Kudarat (Columbio, Lutayan, Tacurong City)
May posibilidad na magkaroon ng pagbaha sa mga mababang lugar.
Inaabisuhan naman ng PAGASA ang mga lokal na disaster risk reduction and management council sa mga naturang lalawigan na patuloy na magbantay sa magiging lagay ng panahon sa mga susunod na oras.