Sa isang Christmas video message sa pamamagitan ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) Facebook page, inihatid ng pangulo ang kanyang mensahe para sa mga kababayan.
“As we celebrate the year’s most festive and joyful season, I would like to greet all my fellow Filipinos a very Merry Christmas. And in the midst of all merriment, let us pause and remember our countrymen who lost their lives fighting the integrity of our country,” ani ng Pangulo.
Nanawagan din siya sa mga Filipino na huwag kalimutan ang mga taong nawalan ng buhay maging kanilang mga tahanan dahil sa katatapos lamang na giyera; maging ang mga nasa ibayong dagat at nalalayo sa kanilang mga pamilya at ang mga aba.
“…and for those who lost their homes and loved ones in the recent war; those who are far from their families and those who are not fortunate and as blessed as most of us…”, ayon kay Duterte.
Nanawagan siyang maipamalas ng mga Filipino ang pakikiramay sa kapwa at isama sila sa mga panalangin ngayong Kapaskuhan.
Hiling anya ng Pangulo na maging masagana ang mga mamamayan at maging progresibo at mapayapa ang Pilipinas.
“Let us show our true compassion and include them in our supplications during the Yuletide season. And as always, I wish a progressive and peaceful country and the prosperity of our countrymen. Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa ating lahat,”, ani ng Pangulo.