Mga mambabatas pinakakalma ng Malacañang sa pagpasok ng bagong telco sa bansa

Pinakakalma ng Malacañang ang ilang senador sa gitna ng napipintong pagpasok ng third player mula China sa telecommunication industry sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kaisa ang gobyerno sa pag-aalala nina Senators Franklin Drilon, Ping Lacson at Leila De Lima dahil sa isyu ng cyber security.

Sinabi pa ni Roque, tinitiyak ng gobyerno na maayos na maipatutupad ang cyber security sa bansa.

Malinaw naman aniya na nakasaad sa batas na kinakailangan na makipag-partner ng isang foreign firm sa Philippine Corporation na mayroong existing franchise.

Nauna nang sinabi ng pangulo na gusto niyang maging operational na sa unang quarter ng 2018 ang bagong telecommunication company sa bansa.

Read more...