Byahe sa abroad ng mga empleyado ng gobyerno ipinagbawal ni Duterte

Inquirer file photo

Simula sa buwan ng Enero ng susunod na taon ay ipagbabawal na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga empleyado ng gobyerno sa ilalim ng executive branch ang byahe sa abroad o junket.

Ayon sa pangulo, kinakailangan na magtipid muna sa budget ng pamahalaan.

Binalaan pa ng pangulo ang mga kawani sa sangay ng ehekutibo na mahilig na ma-abroad na lumayas na lamang sa gobyerno kung hindi makatatalima sa kanyang kautusan.

Iginiit pa ng pangulo na magiging istrikto siya sa pagbabantay sa budget lalo’t pera ng bayan ang ginagastos ng mga opisyal ng pamahalaan.

Matatandaang sinibak ng pangulo sina dating Presidential Commission for the Urban Poor Chairman Terry Ridon at Development Academy of the Philippine President Atty. Elba Cruz dahil sa kanilang madalas na byahe sa ibang bansa gamit ang pondo ng pamahalaan.

Read more...