Mindanao iikutin ng mga senador para sa BBL consultation

Ikinakasa ng Senado ang malawakang public consultation sa buong rehiyon ng Mindanao para sa panukalang Bangsamoro Basic Law.

Ayon kay Sen. Migz Zubiri, Chairman ng Sub-Committee on BBL, sa ikalawang linggo ng Enero ay magtutungo ang mga senador sa ilang bahagi ng Mindanao upang alamin ang pulso ng mga kapatid na Muslim sa panukalang pagtatatag ng Bangsamoro political entity

Kukuha din ng opinyon at mga suhestyon ang mga senador na miyembro ng sub-committee sa mga Kristyano at mga Lumad sa Mindanao upang makakuha ng neutral na opinyon sa panukalang BBL.

Pagkatapos ng public consultation, tantya ni Zubiri aabot pa sa tatlong hearing ang BBL sa Senado bago matapos ang mga committee hearing hingil sa panukala.

Sa Pebrero inaasahang maglalabas ng committee report ang nasabing lupon kaugnay sa BBL.

Read more...